Diokno

Nakatiwang-wang na ari-arian ng gobyerno ibebenta

88 Views

UPANG magkaroon ng dagdag na pondo ang gobyerno, pinag-aaralan ang posibilidad na ibenta ang daan-daang ari-arian ng gobyerno na nakatiwang-wang.

Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno target ng Privatization Council na maibenta ang 137 ari-arian ng gobyerno at makalikom ng P2.5 bilyon.

Bukod sa dagdag kita, sinabi ni Diokno na malilinis din ang financial book ng national government ng mga stagnant asset.

Sinabi ni Diokno na naaprubahan na ng Privatization Council ang pagbebenta ng may P800 milyon halaga ng ari-arian sa unang anim na buwan ng administrasyong Marcos.

Noong Mayo 31, inaprubahan umano ng Privatization Council ang pagbebenta ng anim na ari-arian na nagkakahalaga ng P152.8 milyon.