DTI

DTI hinimok LGUs huwag maningil ng pass-through fees

233 Views

HINIMOK ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga lokal na pamahalaan na sumunod sa Executive Order 41 na nagsususpendi sa paniningil ng mga ito ng pass-through fee sa mga delivery truck na dumaraan sa national road.

Sinabi ni DTI Undersecretary Kim Lokin na ang Manila City government ang unang sumunod sa EO 41 na nagpalabas ng notice para sa suspensyon ng paniningil noong Setyembre 29.

Ang EO 41 ay inilabas noong Setyembre 25.

Ang sinisingil na pass-through fee ng mga lokal na pamahalaan ay idinadagdag sa presyo ng mga produkto kaya ang mga mamimili rin ang bumabalikad sa mga ito.