Rice

DTI nagsagawa ng simultaneous monitoring ng presyo ng imported nabigas

Chona Yu Mar 7, 2025
17 Views

Nagsagawa ng simultaneous price monitoring sa imported na bigas ang Department of Trade and Industry.

Ito ay para matiyak na mapanatilibg stable ang presyo ng bigas at iba pang bilihin.

Mula sa P55, naging P52 na lamang ang itinakdang maximum suggested retail price (MSRP) sa bigas ng Department of Agriculture.

Ibababa pa ito ng DA sa P49 kada kilo.

Sa South Cotabato at Koronadal City Public Market, nasa P47 hanggang P58 ang kada kilo ng imported na bigas.

Sa Tacurong City, Sultan Kudarat, nasa P54 hanggang P 58 ang kada kilo ng imported na bigas.

Sa Alabel Public Market sa Sarangani, nasa P52 ang kada kilo ng imported na bigas.