MMK

Dubbing ng ‘MMK’ sa ingles, sinimulan na ni Charo

277 Views

MMKMMKMMKMMKUMARANGKADA na ang pag-dubbing ni Charo Santos sa wikang Ingles ng ilang episodes ng ‘Maalaala Mo Kaya’ (MMK) para sa pagpapalabas nito sa 41 na bansa sa Africa simula Enero 2023.

“Nakakatuwa kasi yung mga istorya ng ‘MMK’ ay talagang mag-reresonate sa African viewers dahil may mga similarities ang ating experiences at values,” pahayag ni Charo.

Higit 20 na istorya ng tunay na buhay ng ordinaryong Pilipino at celebrities ang napili ng Star Times sa Africa para i-dub sa Ingles.

Nais din ni Charo na makapag-dub sa iba’t-bang wika kagaya ng French, German, Vietnamese, at Korean para mas makilala ang mga palabas ng Pilipinas sa buong mundo.

“Gusto ko rin sanang mag dub in Korean, why not diba. Para yung Filipino content naman ang ieexport natin sa South Korea, hindi lang K-dramas ang dumarating dito,” dagdag ni Charo.

Malaki ang tiwala ng MMK host at dating president ng ABS-CBN na kayang-kaya ng Pinoy content na makipagsabayan sa international stage.

Napapanood din ang ‘MMK’ sa himpapawid bilang in-flight entertainment program ng mga international airlines tulad ng Etihad Airways, Royal Brunei Airlines at Saudi Arabian Airlines.

Para sa iba pang Kapamilya updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.