China

Ang sikreto ng Glamoroces coffee ni China Roces

Eugene Asis Nov 23, 2022
84 Views

China1

NAGING kontrobersyal noon ang pangalan ni China Roces. Nasangkot noon ang dating sexy star sa iba’t ibang usapan, pero ito’y matapang niyang hinarap. Hanggang maging isa siyang vlogger, at nagkaroon ng mahigit 3M followers. Pero tila nakadikit na sa kanya ang maging kontrobersyal, at muli, naging usap-usapan sa social media ang naging gusot nila ng ex-boyfriend at sikat ding vlogger na si Tim Sawyer.

Makalipas ang ilang taon, nakabawi na si China, at nang makaharap namin siya sa presscon para sa Glamoroces coffee sa U Hotel in Makati, maaliwalas na ang kanyang mukha at tila inspired na muli.

Ayon kay China, tama ang hinala namin. In fact, malapit na silang ikasal ng kanyang bagong boyfriend na nagngangalang David, at sana naman daw ay for keeps na ito.

Samantala, lumalago na ang kanyang bagong negosyo, ang Glamoroces Coffee na 2 in 1 beauty and slimming coffee with 20+ active ingredients from Japan. Mabibili ito online sa halagang P395 at marami na ang nakapagpatunay ng bisa nito. Kaya naman hindi nakapagtatakang dumarami rin ang kanyang resellers na sa ngayon ay umaabot na 2,950, samantalang ang kanyang city distributors ay 27,500, ang regional distributor ay 215,000, ang provincial distributors ay117,500 at district distributors ay 51,000.

Ang kape ni China ay pangpapayat at may additional collagen na tiyak magpapaseksi, magpapaputi at magpapagaan ng inyong pakiramdam.

Samantala, open pa rin si China sa mga movie role, lalo pa’t may kontrata siya sa Viva Films. Pero hindi na katulad ng dati na pwede pa siyang magpaseksi. nang todo “Iba na kasi pag may anak ka na,” aniya. “Siyrempre, ayaw kong tanungin niya ako tungkol dito, at ayaw kong ma-bully siya dahil sa mga ginagawa ko. Mas gusto ko na lang mag-distribute ng Glamoroces coffee.”