Loren

Dumaraming scholarship programs pinangangambahan ni Legarda

25 Views

NANGANGAMBA si Sen. Loren Legarda sa kalituhan na pwedeng idulot sa mga estudyante ng dumaraming scholarship programs ng pamahalaan lalo na kung hindi malinaw kung saan sila dapat mag-apply at kung kuwalipikado sila sa mga ito.

Sa hearing ng Senate Committee on Higher, Technical and Vocational Education, tinalakay ang mga panukalang naglalayong gawing permanente ang proposed Presidential Merit Scholarship Program Act at Tito inilahad ng senador ang kanyang pangamba.

“This seeks to institutionalize a national merit scholarship for academically exceptional senior high school graduates who also demonstrate financial need,” sabi ni Legarda.

Bagama’t mabuti ang layunin ng panukala, dapat ding pag-aralan ng pamahalaan kung paano ito itutugma sa umiiral na scholarship programs, ayon sa senador.

“It is good that we have this, but it may cause confusion because we already have the Tulong Dunong Program and other scholarship programs. We may be promising too many and beneficiaries might not know where they belong,” dagdag ni Legarda.

Tinalakay din ng komite ang mga panukalang pag-amyenda sa RA 7796 upang gawing mas moderno ang mandato ng Technical Education and Skills Development Authority at mapabuti ang monitoring ng technical-vocational scholarship programs.

Sinabi ni Legarda na dapat magkaroon ng impact evaluation ang mga scholarship program na pinopondohan ng pamahalaan upang matukoy kung naaabot ng mga ito ang mga target beneficiaries.

“I think that’s very important to have an impact evaluation for all the scholarships because we are able to fund a lot of scholarships and sometimes we don’t know whatever happens,” sabi ni Legarda.