Dumarpa

Dumarpa itinalagang CHR commissioner

209 Views

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Faydah M. Dumarpa bilang commissioner ng Commission on Human Rights (CHR).

Ayon sa CHR pinirmahan ni Pangulong Marcos ang appointment paper ni Dumarpa noong Disyembre 28, 2022, at pormal na ipinadala sa CHR noong Enero 5, 2023.

Si Dumarpa ay mayroong pitong taong termino o mul1 2022 hanggang 2029.

Noong 2001, si Dumarpa ay nagtrabaho bilang political affairs officer sa Kamara de Representantes.

Noong 2012, siya ay naging legislative staff officer naman sa Senado.

Siya ay naging corporate lawyer naman ng National Power Corporation noong 2013.

Si Dumarpa ay naging Deputy Executive Director III for Administrative and Financial Service ng National Nutrition Council ng Department of Health noong 2021.

Ang bagong commissioner ay anak ni dating Lanao del Sur 1st District Congresswoman Faysah Racman Pimping Maniri Dumarpa at dating National Labor Relations Commission Commissioner Atty. Salic Biston Dumarpa.