Bibili ng yelo binaril, patay
May 29, 2025
Lalaki pinatay habang natutulog
May 29, 2025
Calendar

Provincial
Dump truck nahulog sa bangin sa DavOr; 5 obrero dedo, 5 sugatan
Zaida Delos Reyes
May 28, 2025
29
Views
LIMANG construction workers ang nasawi habang lima pa ang nasugatan matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang dump truck nitong Lunes ng umaga sa Davao Oriental.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang aksidente sa Barangay Pichon, Caraga, Davao Oriental.
Patungo ang truck sa isang construction site nang biglang magkaroon ng problema sa makina ang sasakyan na naging sanhi upang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver at mahulog sa bangin ang dump truck.
Dead on the spot ang limang pasahero ng dump truck dahil sa malalang sugat sa katawan, habang isinugod naman sa pagamutan ang lima pang kasamahan ng mga ito.
Patuloy ang imbestigasyon sa aksidente.
Bibili ng yelo binaril, patay
May 29, 2025
Lalaki pinatay habang natutulog
May 29, 2025
25 na ‘bayani ng NEPPO’ nag-martsa
May 29, 2025