Camiguin Rep. Jurdin Jesus "JJ" Romualdo Camiguin Rep. Jurdin Jesus Romualdo

Duterte, Alvarez binira

190 Views

Sa kanilang panawagang ihiwalay Mindanao sa Pinas

MARIING tinututululan nina Camiguin Governor Xavier Jesus “XJ” Romualdo at ang kanyang ama na si Rep. Jurdin Jesus “JJ” Romualdo ang panukalang paghihiwalay ng Mindanao mula sa iba pang bahagi ng Pilipinas kasabay ng banta kina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Rep. Pantaleon “Bebot” Alvarez na maaari silang papanagutin sa kasong sedition dahil sa kanilang mga panawagan na ihiwalay na ang Mindanao sa Pilipinas.

Ayon sa mga Romualdo, ang panukala at mga pahayag nina Duterte at Alvarez ay malinaw na sedisyon, at labag sa 1987 Konstitusyon.

Binigyang diin ng mag-ama na ang Saligang-Batas ay tuwirang nagtatanggol sa pambansang soberanya at teritoryal na integridad ng Pilipinas, na nagbabawal ng anumang anyo ng paghihiwalay o paghati.

Idinagdag pa nila na ang Camiguin, isang islang probinsya sa Northern Mindanao, ay mariing tututol sa plano ni Duterte na hatiin ang bansa para sa kanyang sariling interes.

Idinagdag ni Gov. Romualdo na malinaw na si Duterte at Alvarez ay naglalaro ng mapanganib na mga pahayag at gimik upang guluhin at hatiin ang bansa para sa kanilang sariling interes.

“Whether it’s his fear of possible prosecution by the International Criminal Court, or to be politically relevant again, or whatever his reason is, the former president is toying with dangerous proposals for selfish interests and self-preservation,” dagdag ng governor.

Kasunod nit, hinihimok ni Rep. Romualdo ang kanyang mga kasamahan sa House of Representatives na imbestigahan—at kung kinakailangan ng ebidensya—simulan ang proseso ng pagsuspinde laban kay Rep. Alvarez para sa kanyang papel sa pagsusulong ng paghihiwalay ng Mindanao.

“Lawmakers and ordinary Mindanaoans are gravely concerned over the potential implications of such separatist movements on national unity and stability. The secession proposal has far-reaching effects on the values of sovereignty, unity, and rule of law in the Philippines,” ayon sa pahayag

“It took many decades and countless lives lost before Mindanao experienced relative peace. Now that it’s on the road to prosperity, it’s frustrating that people like Duterte and Alvarez are willing to throw all that sacrifice in the name of self-preservation, iginiit ni Rep. Romualdo.