Dy

Dy nakiisa sa kampanya ng Kamara vs fake news sa social media

Mar Rodriguez Feb 5, 2025
15 Views

Dy1Dy2NAKIKIISA si House Deputy Majority Leader at Isabela 6th Dist. Rep. Faustino “Inno” A. Dy V sa naging aksiyon ng Kamara de Representantes upang tuluyan ng matuldukan ang laganap na “fake news at disinformation” sa social media.

Binigyang diin ni Dy, Vice-Chairman ng House Committee on Tourism, na lubhang nakakabahala aniya ang unti-unting lumalaganap na kasinungalingan at disinformation sa social media sa pamamagitan ng digital platfroms dahil sa kagagawan ng mga organized trolls.

Sinabi ng kongresista na lalong nakakabahala ang mga kaso ng suicide ng ilang indibiduwal na dumanas ng pambabatikos, pambabalahura o pangba-bash sa social media kaya humantong sila sa pagkitil ng kanilang buhay bunsod ng matinding kahihiyan.

Ayon kay Dy, akmang-akma ang hakbang ng Kongreso laban sa talamak na fake news at disinformation dahil sa ikinasang imbestigasyon ng House Tri-Committee na binubuo ng House Committee on Public Order and Safety, Committee on Information and Communications Technology at Committee on Public Information.

Ikinagalak din ng mambabatas ang pagtitiyak ng kapwa nito kongresista na ang pangunahing layunin ng imbestigasyon ay papanagutin ang mga sangkot sa pagpapalaganap ng fake news, pangbu-bully, pangba-bash at iba pang kahalintulad nito sa social media.

Samantala, nakipag-pulong si Dy sa mga Doktor mula sa Echague District Hospital para pag-usapan ang mga ilulunsad nitong aktibidades at health programs para sa mga mamamayan ng Isabela.

Sabi ng House Deputy Majority Leader na kabilang sa mga tinalakay nila sa kanilang pulong ay kung papaano mapagbubuti ang health care system sa kanilang lalawigan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga sapat na gamot para sa mga indigent na pasyente.