Calendar
Dy pinangunahan road concreting project sa Isabela
PINANGUNAHAN ni House Deputy Majority Leader at Isabela 6th Dist. Rep. Faustino “Inno” A. Dy V ang pagpapasinaya ng bagong road concreting project sa Barangay Villa Concepcion sa Cauayan City ng nasabing lalawigan na inaasahang magiging daan para sa pag-unlad ng ekonomiya at kabuhayan ng mga mamamayan ng Isabela.
Ayon sa House Deputy Majority Leader, ang ginanap na road concreting project ay bahagi umano ng kaniyang adhikain upang mapabuti ang ekonomiya ng kanilang lalawigan at mai-angat ang pamumuhay ng bawat mamamayan at komunidad sa kanilang lalawigan.
Ipinaliwanag ni Dy na sa pamamagitan ng proyektong ito mas magiging madali, maaliwalas at kombinyente ang paglalakbay ng mga mamamayan sa iba’t-ibang lugar sa Isabela partkular na ang mga negosyante na nagluluwas ng kanilang kalakal patungo sa bayan.
Sabi ni Dy na malaki din ang maitutulong nito lalo na para sa mga magsasaka at mangingisda na nagdadala ng kanilang mga produkto sa pamilihan. Kung saan, hindi na sila mahihirapan kumpara sa dating kalagayan ng nasabing kalsada na napakahirap para sa kanila ang paglalakbay ng kanilang mga produkto o kalakal sa bayan.
Samantala, nabatid din kay Dy nainaprubahan na ngHouse Committee Local Government ang draft subsititute bill na naglalayong gawing anim na taon ang termino ng mga opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK).
Ayon kay Dy, nakasaad sa naturang panukala na ang susunod na Barangay at SK elections ay sa unang Lunes ng May 2029 pa at mula duon y magkakaroon na ang anim na taong termino o six year term ang mga nabanggit na opisyal.
“Under the proposed bill. It is stated that the next Barangay and Youth Council Elections will hppen on the second Monday of May 2029 and every six years after that. The bill also states that barangay officials cannot serve more than two consecutive terms in tthe same position.
While SK officials cannot serve more tthan one term,” paliwanag ni Dy.