E. Samar niyanog ng magnitude 4.7 lindol

161 Views

ISANG lindol na may lakas na magnitude 4.7 ang yumanig sa Eastern Samar umaga ng Lunes, Hulyo 17.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology ang Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol alas-3:18 ng umaga.

Ang epicenter nito ay apat na kilometro sa silangan ng bayan ng General Macarthur. May lalim itong 38 kilometro.

Naitala ng PHIVOLCS ang mga sumusunod na Intensity:

Intensity IV – General Macarthur, EASTERN SAMAR

Intensity III – Quinapondan, Llorente, Maydolong, Giporlos, Salcedo, Mercedes, Guiuan, Lawaan, at Balangiga, EASTERN SAMAR

Intensity II – City of Borongan, Balangkayan, at San Julian, EASTERN SAMAR; Marabut, Basey, Santa Rita, at Calbiga, SAMAR; City of Tacloban, Babatngon, Palo, at Tanauan, LEYTE

Instrumental Intensities:

Intensity III – Quinapondan at Hernani, EASTERN SAMAR; Basey, SAMAR

Intensity II – Carigara at Dulag, LEYTE;

Intensity I – Sulat, EASTERN SAMAR; Hilongos, Mahaplag, at Ormoc City, LEYTE; Marabut, SAMAR; Hinunangan, SOUTHERN LEYTE