MPD Kinilala ni PLT.Col.Alvin Christopher Baybayan ang suspek matapos arestuhin ito ng mga operatiba ng MPD bitbit. Kuha ni JONJON REYES

E-TRIKE DRIVER ARESTADO SA KASONG MURDER ng MPD

Jon-jon Reyes May 28, 2025
30 Views

ISANG e-trike driver ang nasakote nitong Martes dahil sa kasong murder ng mga operatiba ng MPD Moriones Police Station 2 sa kahaban ng Moriones St, Bgy, 123, Tondo, Manila.

Nakilala ang suspek na si alyas “Arnulfo” 29 kasakulyang naninirahan sa Balimbing st,.Tondo..

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Alvin Christopher Baybayan, hepe ng nasabing istasyon, bandang 9:15 a.m. nang damputin ang suspek sa kaso nitong pagpatay.

Ang mga umaresto ay pinamunuhan ni Police Major Genesis Aliling, ng Warrant Section MPD PS-2.

Bitbit ng mga operatiba ang arrest warrant na inisyu ni Judge Janice Antero, ng RTC Br.16 na may petsang Enero 25 2017.

Napag-alaman na ang suspek ay kabilang sa MWP Top 3 Station Level. Walang inirekomendang piyensa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Ipinabatid sa akusado ang kanyang warrant of arrest gayundin ang kanyang constitutional rights.

Sa panahon ng pagpapatupad ng warrant, gumamit ang mga operatiba ng alternative recording device.

Ang nasabing akusado ay kasalukuyang nasa custodial facility ng istasyon.