Asis

EAC ginulat ang UV sa Mayor Asis Cup

Robert Andaya Jun 28, 2024
182 Views

AGUSAN del Sur –Kaagad nagpakitang gilas ang Arianos Construction-Emilio Aguinaldo College matapos pabagsakin ang Bustamante Construction-University of Visayas, 89-85, sa pagpapatuloy ng Mayor Kirk Asis Open Invitational basketball tournament sa Lope Asis Memorial Gymnasium sa Bayugan City.

Sa pangunguna nina King Gurtiza at Nicol Gil Quinal, bumawi mula sa 13-point deficit ang Generals at maitakas ang panalo laban sa Lancers sa three-day tournament na bahagi ng Bayug Festival at 17th Charter Day Anniversary.

Nagtala si Gurtiza ng 26 points, kabilang ang dalawang free throws na nagbigay sa EAC ng 86-85 kalamangan.

Nakatulong niya si Quinal, na may 23 points, kasama ang three-pointer na tumiyak ng panalo, bukod sa three rebounds at two assists.

Namuno naman sina Raul Carlito Gentallan at Christopher Isabelo para sa Gary Cortes-mentored Green Lancers sa kanilang 16 at 14 points, ayon sa pagkasunod.

Subalit, ang ace gunner ng UV na si Kent Salardra, ay nalimitahan lamang sa six pointsng matinding depensa ng EAC.

Naging malaking problema din para sa UV ang pagkaka-talsik sa laro ng kanilang 6-8 import Lass Coulibaly matapos ang dalawang technical fouls sa third quarter.

Sa mga naunang laro, pinayuko Wengburs Apartelle and Ella Store-San Beda ang ARQ Builders-Adamson University, 65-64, at tinalo ng Bustamante Construction-UV ang Vincare Pharma-University of Perpetual Help System Dalta, 80-68.

Nagpasikat si Jomel Puno sa kanyang all-around game na 16 points, four rebounds, two assists at two blocks para sa San Beda.

Nagdagdag si James Payosing ng nine points at si RC Calimag ng seven points para sa Red Lions ni coach Yuri Escueta.

Gumawa si Cedrick Manzano ng 17 points at eight rebounds sa losing effort ng Falcons ni coach Nash Racela.

Bago ang tournament proper, nagbigay si Mayor Asis ng welcome dinner sa lahat na mga kalahok.

“Thank you to all the participating teams, the players and the coaches, for coming here in Bayugan and joining us in this Mayor Asis Cup,” pahayag ni Mayor Asis sa kanyang welcome remarks.

“The Vice Mayor (Kim Lope Asis) and I are very thankful that you are all here again,” dugtong pa niya.

Ang naturang kumpetisyon ay ino-organisa ni veteran coach-organizer Van Halen Parmis.