Calendar
Eagles naka 13-0 na sa UAAP
LUMAPIT ang Ateneo sa pag-usad agad sa Finals, habang matagumpay na bumalik ang La Salle sa Final Four ng UAAP men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena kahapon.
Naitala ng four-peat seeking Blue Eagles, na gamit ang isa na namang malakas na second quarter, ang kanilang ika-13 sunod na tagumpay sa pamamagitan ng 70-53 paggiba sa Far Eastern University.
Matapos mabigo sa nakalipas na dalawang seasons, nakuha ng Green Archers ang puwesto sa Final Four sa pamamagitan ng 64-51 paggupo sa Adamson.
Napalawig ang kanilang winning streak sa 39 games, maaring kunin ng Ateneo ang kanilang ika-limang sunod na championship appearance sa pamamagitan ng panalo sa University of the Philippines sa Linggo.
Ang 14-0 elimination round sweep ng Eagles ay siyang magbibigay daan upang ang semifinals ay maging step-ladder format upang madetermina ang kanilang katunggali sa best-of-three Finals.
Bagamat tangan ang twice-to-beat semis bonus sa pagselyo ng No. 2 elims ranking, papalag pa rin ang Fighting Maroons upang masawata ang hangarin ng kanilang katunggali mula sa Katipunan na dumiretso agad sa Finals.
Kumabig si Raffy Verano ng double-double outing ng 17 points at 13 rebounds habang nag-ambag si Tyler Tio ng 14 markers para sa Ateneo.
Subalit, hindi nasiyahan si coach Tab Baldwin.
“I didn’t think we played well today,” sabi ni Baldwin. “I think FEU had a bit to do with that. Gotta give Olsen (Racela) a lot of credit. Unfortunately for them, they failed to hit open shots.”
Tabla ang laban sa 43 sa pagpasok ng payoff period, nagsanib ng puwersa sina Evan Nelle at Justine Baltazar upang makamit ng La Salle ang ikawalong panalo sa 13 laro.
Natuwa si coach Derrick Pumaren, ang two-time UAAP champion na bumalik upang hawakan ang Archers sa kaagahan ng 2020 bago ang pandemic, na makitang makapuwesto ulit ang koponan sa dati nilang kinalalagyan.
“It was a total team effort for the whole team. Finally, it’s official that we made it to the Final Four. It was a good win for us and we know that it wouldn’t be easy,” sabi Pumaren.
Bumalik si Schonny Winston matapos lumiban sa nakalipas na laro dahil sa back spasms at tumapos na may 19 points, limang rebounds, dalawang assists at dalawang steals para sa La Salle.
Nagpakawala si Enzo Joson ng 13 sa kanyang 15 points sa first half nang mapanatiling buhay ang pag-asa.nh National University na makamit ang nalalabing Final Four slot sa pamamagitan ng 100-81 tagumpay kontra sa winless University of the East.
Dahil sa pagkatalo ng Tamaraws sa Eagles, tumabla ang Bulldogs sa Morayta-based squad sa pang-apat sa 6-7, habang nalaglag ang Falcons sa 5-8 marka sa pang-anim.
“Maganda ‘yung balik namin coming off four straight losses,” sabi NU coach Jeff Napa. “Magandang buwelo ito heading to the game on Sunday against La Salle.”
Hindi na hawak ng Adamson, na natalo na ng dalawang sunod, ang kanilang kapalaran na makahirit ng puwesto sa Final Four. Sasagupain ng Falcons sa Linggo ang Red Warriors.
Iskor:
Unang laro
NU (100) — Joson 15, Ildefonso 12, Mahinay 11, Manansala 9, Figueroa 9, Enriquez 8, Malonzo 6, Clemente 6, Flores 5, Torres 5, Felicilda 4, Galinato 4, Yu 4, Tibayan 2, Gaye 0.
UE (81) — Pagsanjan 16, Escamis 15, Lorenzana 14, Cruz 11, N. Paranada 10, K. Paranada 7, Guevarra 3, Sawat 2, Pascual 2, Beltran 1, Antiporda 0, Villanueva 0, Tulabut 0, Abatayo 0.
Quarterscores: 21-20, 52-36, 77-58, 100-81
Ikalawang laro
DLSU (64) — Winston 19, Nelle 11, Lojera 10, Austria 6, Baltazar 6, M. Phillips 4, Nwankwo 4, Manuel 2, B. Phillips 2, Nonoy 0.
AdU (51) — Lastimosa 11, Peromingan 11, Sabandal 8, Zaldivar 7, Douanga 6, Manzano 4, Hanapi 4, Magbuhos 0, Colonia 0, Yerro 0, Barasi 0, Fuentebella 0, Maata 0, Jaymalin 0.
Quarterscores: 12-13, 27-26, 43-43, 64-51
Ikatlong laro
Ateneo (70) — Verano 17, Tio 14, Belangel 8, Ildefonso 8, Mamuyac 7, Kouame 4, Koon 4, Mendoza 3, Padrigao 3, Chiu 2, Lazaro 0, Daves 0, Gomez 0, Andrade 0.
FEU (53) — Abarrientos 12, Gonzales 10, Torres 8, Alforque 5, Ojuola 5, Tempra 4, Sleat 3, Sajonia 3, Celzo 2, Coquia 1, Bienes 0, Sandagon 0, Li 0.
Quarterscores: 17-11, 33-23, 51-34, 70-53