Par Larawan: PAGASA/FB

Easterlies, magdadala ng pag-ulan sa ilang rehiyon

48 Views

WALANG namo-monitor na Low Pressure Area (LPA) na posibleng maging bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) nitong Sabado, Nobyembre 14, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa 24-hour weather forecast ng ahensya, easterlies ang nakaaapekto sa buong bansa na magdadala ng maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga, Davao Region at Marinduque.

Posible ang flashfloods at landslides sa mga lugar na ito bunsod ng katamtaman hanggang paminsan-minsang malakas na pag-ulan.

Samantala, asahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa. Maaari ring magkaroon ng pagbaha o landslide kapag malakas ang thunderstorms.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto at subaybayan ang mga susunod na weather update ng PAGASA.