Grenada

Fil-Ams sa Grenada nakinabang sa consular outreach mission ng PH Embassy

48 Views

Grenada1Grenada2Live1

NAGSAGAWA kamakailan ang Embahada ng Pilipinas sa Washington, D.C. ng kauna-unahang consular outreach mission sa Grenada.

Ang tatlong-kataong pangkat mula sa Embahada, sa pamumuno ni Konsul Heneral Zoilo A. Velasco, ay nagproseso ng 44 passport applications, notarized 20 documents, at nag-administer ng oath of allegiance sa pitong nabigyan ng dual citizenship.

Pinadali rin ng Embahada ang pagpaparehistro ng 42 botanteng Pilipino sa ibayong-dagat (overseas voters) bilang paghahanda para sa pambansang halalan sa 2028.

Isinagawa ang consular outreach mission sa pakikipagtulungan sa United Filipino Community in Grenada, Inc., na ang suporta ay naging mahalaga sa tagumpay ng nasabing misyon.

Nagpahayag ng pasasalamat ang mga miyembro ng komunidad ng mga Pilipino para sa consular outreach mission, na nakatulong lalo na sa mga kinakailangang mag-renew ng kanilang pasaporte upang maiproseso ang kanilang residency at work permit.

Ang consular outreach na ito ang kauna-unahang isinagawa mula nang maitatag ang ugnayang bilateral sa Grenada noong May 8, 2025.