Economic Cha-cha suportado  ng BARMM, Mindanao Youth

129 Views

SUPORTADO ng mayorya ng mga estudyante at community leaders ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa panukala na amyendahan ang economic provisions ng 1987 Constitution.

Ito ay batay sa isinagawang consultative sessions kaugnay sa panukalang Charter Change na inorganisa ng Democracy Watch in Cagayan de Oro City.

“We’re OK with foreign investors because (of its) benefits to the people… because we are opening employment. The more we generate employment, we stop combat and (end) poverty,” ayon kay Abdul Abedin III, ng Mindanao State University.

Naniniwala si Abedin na kung bubuksan ang ekonomiya ng bansa sa mga dayuhang mamumuhunan ay mas darami ang mapapasukang trabaho, mas gaganda ang ekonomiya ng bansa.

Inihalimbawa ni Abedin ang karanasan ng Malaysia, Singapore, United Arab Emirates, at BARMM na nagbukas ng ekonomiya sa dayuhang pamumuhunan.

“As BARMM we have been open to foreign investors especially in increasing Halal awareness and (developing) the Halal Industry. We see this as a potential just like what happened in Malaysia and Singapore,” ayon pa kay Abedin.

“Look at United Arab Emirates. They started from scratch. They did not settle with what (was available) in the Arab community. So look (at) where they are now. That is what we visualize with BARMM. That is why we are okay with foreign investors,” dagdag pa nito.

Karamihan sa mga kalahok ang nagpahayag ng suporta sa mga panukala na baguhin ang mga pang-ekonomiyang probisyon ng Konstitusyon, subalit nais na matiyak ang proteksyon at katatagan ng pambansang seguridad.

Nagpahayag naman ng pagtutol ang mga kalahok sa political reforms lalo na sa pag-aalis ng limitasyon sa termino ng mga halal na opisyal.

“We want to be globally competitive pero hindi natin yon ma-a-achieve if hindi tayo mag-a-ask ng help (but we won’t achieve it if we don’t ask for help). Change is good although high risk but high reward naman if ma-implement natin nang maayos (if we implement properly)… if there will be restrictions from the lawmakers na mas ma-implement siya nang maayos (that it will be implemented properly). If ever there will be such risk, ma-manage natin (we can manage) in the Philippines,” ayon naman sa business student na si Jehvah Rosh Ha-shanah D. Cajilla.

Nakikiisa rin si Cajilla, sa panukalang amyendahan ang mga probisyon partikular sa sektor ng public utilities, edukasyon, at advertisement.

“It is good na yung tatlo lang (only the three) are for revision. At least one step at a time. Opening this will help us get foreign investments. I don’t think it is negative because in the business world we need investors kasi nga kung mag nenegosyo ka wala kang kapital, saan ka kukuha ng pera (because if you go into business without capital, where will you get the money?) We need help, we cannot stand alone,” ayon pa kay Cajilla.

Naniniwala naman si Lovely Mae Cabodbod ng PHINMA Cagayan de Oro College na mareresulta sa pagkakaroon ng “globally competitive learners,” kung bubuksan din ang pamumuhunan ng mga dayuhan sa sektor ng edukasyon.

Noong nakaraang buwan inaprubaha ng Kamara de Representantes ang Resolution of Both Houses (RBH 7) sa ikatlo at huling pagbasa.

Nakabinbin naman ang kaparehong panukala sa subcommittee ng Senado.