Frasco1

Edukasyon priority ng mag-asawang Frasco

Mar Rodriguez Apr 23, 2024
123 Views

FrascoFrasco2EDUKASYON ang priority nina House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco at Tourism Sec. Maria Christina Garcia Frasco kaya inihayag ng mag-asawang Frasco na patuloy ang kanilang “scholarship program” para sa mga mag-aaral sa Liloan, Cebu.

Sinabi ni Congressman Frasco na sa lahat ng isinasagawa nitong proyekto ang edukasyon ay kaniyang pangunahing prayoridad para matulungan ang mga estudyante sa kanilang lalawigan na makapagtapos ng kanilang pag-aaral partikular na ang mga indigent students.

Ipinaliwanag ni Frasco na sa halip na financial assistance ang kaniyang ipamahagi para sa mga mahihirap na pamilya ang pagkakaloob ng libreng “scholarship program” ang tunay na tutugon sa problema ng karukhaan. Sapagkat ang edukasyon o karunungan ang mag-aahon sa kanila sa kahirapan, aniya.

Ayon kay Frasco, ang kaniyang ipamamahaging financial aid ay madaling mauubos sa gitna ng napakataas na presyo ng mga pangunahing bilihin. Subalit ang edukasyon aniya ay hindi kailanman maglalaho o mauubos sapagkat ang karunungan ng isang tao ang kaniyang tunay na kayamanan.

“Ang edukasyon talaga ang isinusulong namin dahil ang edukasyon at karunungan ang tunay na mag-aahon sa kanila sa kahirapan. Ang pera o financial aid ay madaling maubos, sandal lang iyon.

Pero ang edukasyon ay mananatili kahit may edad ka na. kaya iyan talaga ang aming priority,” sabi ni Frasco.

Nabatid sa kongresista na magsisimula na sa April 23, 2024 ang pamamahagi nila ng scholarships na mag-uumpisa sa Barangay Catarman hanggang Barangay San Vicente at Barangay Santa Cruz.

Samantala, pinangunahan ni Frasco ang groundbreaking ng bagong factory ng kanilang family business “Titay’s Factory” na ipinangalan sa kanilang great grandmother na si Margarita “Titay” Frasco na pagawaan ng ng de-kalidad na “rosquillos” na kilala at sikat na “delicacy” ng Cebu City.