Obiena

EJ Obiena pinarangalan sa Kamara

279 Views

PINURI ng Kamara de Representantes ang Filipino Pole Vault athlete na si Ernest John “Ej” Uy Obiena sa tatlong medalya na magkakasunod na napanalunan nito kamakailan.

Pinagtibay ng Kamara ang House Resolution (HR) No. 765 na akda nina Speaker Martin G. Romualdez, Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, Minority Leader Marcelino C. Libanan, Senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander A. Marcos, at Tingog Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude A. Acidre na kumikilala sa naihatid na karangalan ni Obiena sa bansa.

“What EJ Obiena has achieved has once again brought honor to the Philippines in the world stage. His accomplishments deserve our highest honors and recognition,” sabi ni Romualdez.

Noong Enero 29, nanalo ng gintong medalya si Obiena sa Perche En Or competition sa Roubaix, France matapos malundagan ang 5.82 metro sa kanyang unang pagtatangka.

Nasundan ito ng bronze medal na napanalunan ni Obiena matapos malagpasan ang 5.91 metro na katumbas ng kanyang Philippine indoor record.

Noong Pebrero 5, nakasungkit ng gintong medalya si Obiena sa Orlen Cup na ginanap sa Lodz, Poland.

Nakapagtala rin si Obiena ng maraming panalo noong 2022.

“Dominating the international competitions in the field of pole vaulting, Ernest John ‘EJ’ Uy Obiena deserves utmost distinction and commendation for continuously bringing honor and glory to the Philippines and unselfishly inspiring Filipino athletes to work hard and aim high – to be the best in their chosen field of sport,” sabi ng resolusyon.

Si Obiena ang kauna-unahang Pilipino na nabigyan ng scholarship sa International Association of Athletics Federations (IAAF).

Padadalhan ng Kamara si Obiena ng kopya ng resolusyon.