ERJHS alumni sports

ERJHS alumni sports officials nanumpa

365 Views
NANUMPA kay Eulogio Rodriguez Jr. High School principal Gina Labor Obierna ang mga bagong hirang na opisyales ng  ERJHS Alumni Sports Club, sa pangunguna ni Ed Andaya ng Batch 81 na tumatayong presidente, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika 71st founding anniversary ng ERJHS sa Mayon Ave., Quezon City nung  Feb. 23.
Inihayag ni Obierna ang kahalagahan ng mga alumni sports associations sa pagtataguyod ng patuloy na pagkakaisa at ugnayan ng mga graduates ng naturang paaralan.
Tinukoy din  ni Obierna ang pagsisilbing inspirasyon ng mga alumni sa mga mag-aaral, kabilang na ang mga student-athletes.
Ipinagmalaki naman ni Andaya ang mga nakalipas na proyekto ng alumni sports association, gaya ng “Isulong mo with GM Eugene Torre” simultaneous exhibition matches, na kung saan naging katuwang ang Meralco Sports Foundation;  ang ERJHS Alumni “Sports Hall of Fame” at ang “Battle of Generations ” basketball at volleyball championships.
Kabilang sa mga naging panauhing pandangal sa ERJHS ang mga PBA legends na sina Samboy Lim, Alvin Patrimonio, Bong Alvarez, Gary David, Alvin at Jeron Teng, Renren Ritualo,
Terrence Romeo, Stanley Pringle at ang buong NorthPort Batang Pier.
Bukod kay Torre, nakasama din ng mga piling chess players ng ERJHS sina 2023 PSA Chess Player awardee IM Efren Bagamasbad at NM Edgardo Garma.
Kabilang sa mga nanumpa sina Zeny Castor ng Batch 70 (Adviser), Neneng Gutierrez ng Batch 72 (Vice-President for 70s), Imee Gines ng Batch 82 (Vice-President for 80s), Robert Capistrano ng
Batch 94 (Vice-President for 90s), Oliric Lacsamana ng Batch 2000 (Vice President for 2000s), Jane Jimenez ng Batch 85 (Secretary), Bess Maghirang of Batch 83 (Auditor), Melissa Cabalic ng
Batch 89 (PRO), Gina de los Santos ng Batch 86 (PRO), at Roland Doncillo ng Batch 81 (Director), Ramon Ypil ng Batch 84 (Director), Albert Andaya ng Batch 85 (Director), Roy Madayag ng
Batch 91 at Richard Nell ng Batch 93 (Director).