Calendar
Electronic voting para sa 1.83 OFWs isinusulong ng OFW Party List Group
ISINUSULONG ng Overseas Filipino Workers Party List Group sa Kongreso ang modernisasyon ng “absentee voting” para sa tinatayang 1.83 milyong OFWs sa pamamagitan ng “electronic voting” na nakapaloob sa isinulong nitong panukalang batas.
Sa pamamagitan ng House Bill No. 6770 na inihain ni OFW Party List Cong. Marissa “Del Mar” P. Magsino, nais nitong mapalawig pa ang pamamaraan ng botohan na itinatakda ng Republic Act No. 9189 o ang “Overseas Absentee Voting Act of 2003” na inamiyendahan naman ng Republic Act. 10590 na kilala bilang “Overseas Voting Act of 2013”.
Sinabi ni Magsino na kailangang amiyendahan o susugan ang kasalukuyang umiiral na batas upang mabigyan ng karapatan ang 1.83 OFWs na makaboto sa panahon ng eleksiyon o isang national elections.
Ipinaliwanag ni Magsino na sa ilalim ng HB. No. 6770, pinahihintulutan na rin ang mga Filipino seafarers o mga Marino na makaboto sa panahon ng halalan sa pamamagitan ng “electronic voting” na siyang ide-determina naman ng Commission on Elections (COMELEC).
Ayon sa OFW Lady solon, ang isasagawang electronic voting ay sa pamamaraan ng electronic mail o Email, web-based portals at iba pang internet based technologies.
“It also provides mechanism that will further enhance existing methods and procedures of absentee voting of OFWs and Overseas Filipinos (OFs) while protecting the sanctity of their votes,” paliwanag ni Magsino.
Binigyang diin pa ng kongresista na ang pagboto o ang “right to suffrage” ay isang napaka-halagang element ng demokrasya. Sapagkat ito aniya ang tanging karapatan ng mga Pilipino makapili at makaboto ng kanilang opisyal at kinatawan sa pamahalaan.