Ellen

Ellen di na nakatiis, sinagot mga komento sa pagbubuntis

Vinia Vivar Oct 27, 2024
88 Views

Nagsalita na si Ellen Adarna tungkol sa naging pagbubuntis niya at panganganak sa first baby nila ni Derek Ramsay.

Matatandaang isinapubliko ni Derek ang panganganak ni Ellen a few days ago nang mag-post siya ng larawan ng wifey niya with their new-born baby.Marami ang nagulat sa post na ito ng aktor dahil never nilang inanunsyo na preggy na si Ellen.

Sa bagong Instagram post ni Derek na larawan nila Ellen with their baby ay may nagkomentong netizen ng, “I didn’t know na buntis pla si ellen now nanganak na wow.”

Sumagot naman ang isa pang netizen ng “Gusto kasi ni ellen, surprise. Yung malalaman na lng ng lahat na may baby na pala. May post sila dati.”

Tila hindi na nakatiiis si Ellen at sumagot na sa usapan.

Aniya ay hindi naman niya itinago ang kanyang pagbubuntis.

“Hindi ko gusto surprise. Alam naman ng friends and family and di ko naman tinatago when i go out, crop top ako kahit malaki tyan,” sey ni Ellen.

Paliwanag pa niya, hindi lang niya in-announce ang pregnancy dahil gusto niyang maging peaceful ang pagbubuntis.

“I just didnt announce because i dont need to. I want a quiet and peaceful pregnancy. Last thing i need are opinions from people i dont know and unsolicited advice,” aniya.