Just In

Calendar

July 2026
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
DC

Embahada ng Pinas sa Washington nag-host ng symposium

18 Views

DC1DC2

WASHINGTON, D.C.–Nag-host kamakailan ang embahada ng Pilipinas sa symposium na nagtatampok ng mga prutas at pagbuburo o kombucha fermentation.

May temang “Philippine Tropical Flavors Through Kombucha Fermentation,” tinanggap ng embahada ang mga miyembro ng ASEAN Spouses’ Circle (ASC) sa Washington, D.C. para sa event.

Pinangunahan ni Maria Lourdes Romualdez, asawa ng Philippine Ambassador to the United States na si Jose Manuel Romualdez, ang pagbubukas ng programa.

Binigyang-diin ni Maria Lourdes ang natatanging kapangyarihan ng pagkain sa pagpapatibay ng pagkakaibigan ng mga bansang kasapi ng ASEAN.

Naging sentro ng talakayan si Tanya Maynigo, ang Fil-Am na nagtatag ng Brindle Boxer Kombucha.

Ibinahagi niya ang kasaysayan ng inumin, ang siyentipikong proseso sa likod ng pagbuburo at ang pag-usbong nito bilang wellness drink.