Ipagpaliban muna badge rule sa online sellers
Oct 24, 2026
Calendar
Provincial
Employees’ Day 2026 ginanap sa Calapan
Helen D. Prado
Sep 26, 2026
126
Views
CALAPAN CITY–Nagdiwang dito ang pamahalaang panlalawigan ng Employees’ Day 2026 noong Biyernes at nakilahok ang mga empleyado mula sa iba’t-ibang tanggapan sa mga palaro na pinangunahan ng Provincial Human Resource and Management Office (PHRMO) sa pamumuno ni Anna Marie Reyes.
Ipinagpatuloy din ang ikalawang araw ng special treats kung saan inalok ang mga kawani ng libreng masahe, pedikyur, manikyur at gupit bilang pasasalamat sa kanilang serbisyo.
Ang nasabing pagdiriwang ay patunay sa pagpapahalaga ni Gob. Humerlito Dolor sa sipag, tiyaga at dedikasyon ng bawat kawani sa pagtupad ng tungkulin.
Bahagi rin ito ng pagdiriwang ng Philippine Civil Service Month, alinsunod sa Presidential Proclamation No. 1050.
Pekeng pera nasamsam sa babae
Oct 24, 2026
Suspek sa KFR, illegal detention nasukol sa Isabela
Oct 23, 2026

