Hermosa

Mobile clinic sa Hermosa bukas na

Christian Supnad Sep 26, 2026
205 Views

HERMOSA–Bukas na ang π‡πžπ«π¦π¨π¬πš πŒπ¨π›π’π₯𝐞 𝐂π₯𝐒𝐧𝐒𝐜 na maghahatid ng iba’t-ibang serbisyong pangmedikal at laboratory services sa mga HermoseΓ±o, ayon kay Mayor Ann Inton.

Mas mapapalapit ang de-kalidad na serbisyong medikal sa bawat barangay at hindi na kailangang lumayo pa ang mga HermoseΓ±os upang makatanggap ng pangunahing konsultasyon, pagsusuri at kailangang gamot.

Tagumpay ang programa dahil sa pagtutulungan ng Sangguniang Bayan ng Hermosa sa pangunguna ni Mayor Anne Adorable-Inton, Hermosa Health team sa pangunguna naman ni Dr. Warren Valencia, @Konsehala Gelly Grace Santos, at ng buong RHU staff.

Nakasama rin sa programa sina Vice Governor Chris Garcia; Cong. Atty. Tony Roman; Bokal Godofredo “Doc Bong” Galicia Jr. ; at Bokal Mylene Serrano.

“Asahan po ninyo ang ating patuloy na pagsuporta at pakikipagtulungan para sa de-kalidad na serbisyong pang-medikal para sa bawat pamilyang HermoseΓ±o at pamilyang BataeΓ±o,” dagdag ni Mayor Inton.