Tingog1

‘Enteng’ relief op ng Tingog Partylist katuwang si Speaker Romualdez tagumpay

81 Views

NAGING matagumpay ang isinagawang relief operation ng Tingog Partylist, sa pangunguna nina Rep. Yedda Romualdez at Rep. Jude Acidre, katuwang si Speaker Ferdinand Martin Romualdez para sa mga nasalanta ng bagyong Enteng.

Sumentro ang relief operation sa lalawigan ng Rizal at Zambales na napuruhan sa pananalasa ng bagyo.

Sa Zambales, nakipagtulungan ang Tingog at Office of the Speaker kay 2nd District Representative Bing Maniquiz sa paghahatid ng relief packs sa limang bayan. Kasama sa ipinamigay na aid package ang relief pack ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), dagdag na grocery items at P500 na transportation allowance bawat pamilya.

Umabot sa kabuuang 10,374 pamilya na binubuo ng 51,783 indibidwal ang nahatiran ng tulong sa relief operations.

Ipinaabot naman ni Rep. Yedda Romualdez ang pasasalamat nito sa mga volunteer, mga lokal na lider at iba’t ibang organisasyon na nagsama-sama upang maging matagumpay ang pagtulong sa mga naapektuhan ng bagyo.

“The spirit of cooperation and compassion has shone brightly through these challenging times,” ano Rep. Yedda. “Our collective effort has truly made a difference in the lives of those affected.”

Kinilala naman ni Speaker Romualdez ang mahalagang papel ng pagkakaisa at pagsasama-sama sa pagtulong sa mga nasalanta.

“The success of this relief operation is a testament to what we can achieve when we unite for a common cause. Our work does not end here; we remain committed to supporting these communities in their recovery and rebuilding efforts,” ani Speaker Romualdez.

Nangako naman ang Tingog Partylist at si Speaker Romualdez na gagawa ng mga hakbang upang mulinhg matulungan ang mga nasalanta at maging mabilis ang kanilang pagbangon.