Alalahanin ngayong Pasko mga biktima ng bagoy — PBBM
Nov 18, 2024
Ogie sa pagpo-produce kay Liza: Ako pa ba?
Nov 18, 2024
Catriona nagmukhang naka-apron sa Miss U
Nov 18, 2024
Calendar
Other Sports
ERJHS alumni sports officials nanumpa
Peoples Taliba Editor
Mar 1, 2023
443
Views
NANUMPA kay Eulogio Rodriguez Jr. High School principal Gina Labor Obierna ang mga bagong hirang na opisyales ng ERJHS Alumni Sports Club, sa pangunguna ni Ed Andaya ng Batch 81 na tumatayong presidente, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika 71st founding anniversary ng ERJHS sa Mayon Ave., Quezon City nung Feb. 23.
Inihayag ni Obierna ang kahalagahan ng mga alumni sports associations sa pagtataguyod ng patuloy na pagkakaisa at ugnayan ng mga graduates ng naturang paaralan.
Tinukoy din ni Obierna ang pagsisilbing inspirasyon ng mga alumni sa mga mag-aaral, kabilang na ang mga student-athletes.
Ipinagmalaki naman ni Andaya ang mga nakalipas na proyekto ng alumni sports association, gaya ng “Isulong mo with GM Eugene Torre” simultaneous exhibition matches, na kung saan naging katuwang ang Meralco Sports Foundation; ang ERJHS Alumni “Sports Hall of Fame” at ang “Battle of Generations ” basketball at volleyball championships.
Kabilang sa mga naging panauhing pandangal sa ERJHS ang mga PBA legends na sina Samboy Lim, Alvin Patrimonio, Bong Alvarez, Gary David, Alvin at Jeron Teng, Renren Ritualo,
Terrence Romeo, Stanley Pringle at ang buong NorthPort Batang Pier.
Bukod kay Torre, nakasama din ng mga piling chess players ng ERJHS sina 2023 PSA Chess Player awardee IM Efren Bagamasbad at NM Edgardo Garma.
Kabilang sa mga nanumpa sina Zeny Castor ng Batch 70 (Adviser), Neneng Gutierrez ng Batch 72 (Vice-President for 70s), Imee Gines ng Batch 82 (Vice-President for 80s), Robert Capistrano ng
Batch 94 (Vice-President for 90s), Oliric Lacsamana ng Batch 2000 (Vice President for 2000s), Jane Jimenez ng Batch 85 (Secretary), Bess Maghirang of Batch 83 (Auditor), Melissa Cabalic ng
Batch 89 (PRO), Gina de los Santos ng Batch 86 (PRO), at Roland Doncillo ng Batch 81 (Director), Ramon Ypil ng Batch 84 (Director), Albert Andaya ng Batch 85 (Director), Roy Madayag ng
Batch 91 at Richard Nell ng Batch 93 (Director).
Hilario wagi ng tatlong gold sa National Para Games
Nov 13, 2024
Unang ginto, pag-aagawan sa Para Games
Nov 11, 2024
Pinoy paddlers hindi palulupig
Oct 30, 2024
Women’s Run PH dadayo sa Iloilo
Oct 30, 2024
IP Games, asam gawing institusyon
Oct 30, 2024
Russian players nagpakitang gilas sa Tagaytay
Oct 16, 2024
Toledo Trojans hindi maawat
Oct 11, 2024