Just In

Calendar

July 2026
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Estafa Kinilala ni Police Capt. Joel Aquino (kaliwa) ang suspek na nahuli dahil sa kasong estafa. Kuha ni JONJON C. REYES

Estafa isinampa vs empleyado ng Manila City Hall

Jon-jon Reyes Jun 5, 2025
476 Views

INARESTO ng mga pulis ang isang lalaki na empleyado ng Manila City hall dahil sa kasong estafa sa A.Rivera St., corner Mayhaligue St., Brgy. 128, Tondo, Manila noong Huwebes.

Ayon sa report ng Manila Police District, bandang alas-11:56 ng umaga ng naaresto si alyas Rodel, 53, sa pangunguna ni Police Capt. Joel Aquino.

Hinuli ang lalaki sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Jaime Guray, Presiding Judge ng Branch 274 ng Regional Trial Court of Paranaque City, para sa kasong estafa.

Ipinaalam ni PMSg Mark King Hernandez sa akusado ang kanyang mga constitutional rights sa ilalim ng RA 7438.