Calendar
Metro
Gumawa ng kalaswaan sa menor-de-edad huli
Edd Reyes
Jun 5, 2025
502
Views
HULI ang 19-anyos na suspek sa paggawa ng kalaswaan sa menor-de edad na batang babae sa Zambales sa pinagtaguang lugar sa Caloocan City.
Dakong alas-2:40 ng hapon nang dakpin si alyas Nando sa Bagbaguin, Brgy. 165 dahil sa kasong acts of lasciviousness.
Sa ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Josefino Ligan, tinakasan ng akusado ang inihaing kaso laban sa kanya sa korte ng Iba, Zambales kaya’t sinimulan siyang tugisin ng mga pulis.
Hinuli siya sa tulong ng warrant of arrest galing kay Iba, Zambales Family Court Presiding Judge Maribel Mariano-Beltran.
1,000 Manileno lumabas na sa 4Ps
Oct 14, 2026
1,000 pamilyang Manileno lumabas na sa 4Ps
Oct 14, 2026

