Calendar
Ex-PIA chief bagong pinuno ng PTFOMS
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si dating Philippine Information Agency (PIA) Director General Jose Torres bilang bagong pinuno ng Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS).
Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa 50th Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas Top Management Conference sa Tagaytay City, inatasan nito ang PTFOMS na paigtingin ang operasyon bilang paghahanda sa 2025 midterm elections.
Inatasan din ng Pangulo ang ahensya na tutukan ang pagprotekta sa mga miyembro ng media para matiyak na walang banta laban sa kanilang buhay, kalayaan at seguridad.
“It is also an action from our experience that the smaller the constituency that is being fought over by different political candidates, the more heated that debate becomes.
It becomes personal at that level. And that is where we have to protect our people and our journalists,” dagdag ng Pangulo.
Pinatutukan din ni Pangulong Marcos ang paglaban sa disinformation at misinformation.
“With technological advancements and the popularity of social media, we have seen a rise in disinformation and misinformation campaigns that could undermine public trust in the entire democratic process, including elections,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“In this regard, the media plays a vital role in dispelling the noxious influence of misinformation, dismantling the lies that are spread by troll farms and other malicious organizations,” dagdag ni Pangulong Marcos.