Relief

Ex-Speaker Romualdez, Tingog hindi napapagod sa pagtulong sa mga binagyo

Mar Rodriguez Nov 11, 2025
463 Views

WALANG patid ang pagdadala ng tulong ni dating Speaker Ferdinand “Martin” Romualdez at TINGOG partylist sa simula pa lang ng pagbayo ng bagyong Uwan.

Sa Eastern Visayas, marami ang lubhang naapektuhan, nasira ang mga kabahayan, at may naitalang mga casualty.

Sa gitna ng pinsalang iniwan ng bagyong Uwan, hindi nag-atubiling tumulong ang tanggapan ni dating Speaker Martin Romualdez at TINGOG partylist sa mga naapektuhang residente sa Northern Samar.

Noong Nobyembre 10, naihatid sa Catarman, Northern Samar ang mga relief goods sa tulong ni PDRRMO Rei Josiah Echano.

Ang mga relief packs ay naglalaman ng bigas, instant cereal drink, instant noodles, sardinas, kape, biskwit, kumot at timba.

Lubos ang pasasalamat ng pamahalaang panlalawigan ng Hilagang Samar sa malasakit at taos-pusong pagtulong ni Cong.Romualdez at Tingog Partylist.

Tuloy-tuloy din ang pamamahagi ng tulong sa iba pang mga lugar sa Eastern Visayas, kabilang ang Southern Leyte bilang bahagi ng malawakang relief assistance para sa mga kababayang matinding naapektuhan ng magkasunod na bagyo.

Hindi kailanman nanghina sa panata niya si dating Speaker Romualdez at Tingog Party-list sa mabilis na pagtugon at walang sawang pagtulong sa bawat Pilipinong nangangailangan saan man sa Eastern Visayas.