ex wife

Ex-wife, nag-congratulate kay Robin

Vinia Vivar May 12, 2022
348 Views

Ibinahagi ni Kylie Padilla na hindi siya naging biased sa pagboto sa kanyang amang si Robin Padilla bilang senador.

Nag-research daw siya at pinanood ang mga interview nito na parang hindi niya ito tatay.

I approached this like you were not my dad. I did my homework. I did my research. I did not want to be biased. I watched all the interviews and inintindi ko lahat ng sinabi mo.

“And all i can say is I cannot wait for you to make your dreams a reality. I support you with all my heart. You have always been passionate about helping people and now you are in a position where you can make a bigger impact. I’m so happy and proud of you,” ang pahayag ni Kylie sa kanyang Instagram.

Pero bilang anak, alam daw niya na mahal ng kanyang ama ang ating bansa at ang ating mga kababayan.

“But If I was to speak as his daughter all I have to say is mahal na mahal ng tatay ko ang pilipinas, mahal nya ang mga tao. Parte ng pagkatao nyang tumulong. He has always been selfless pag dating sa mga taong nangangailangan,” sey pa ni Kylie.

Pagmamalaki pa ng aktres, “If there is one thing I can attest to, my father did not need to become senator to help make change happen. He was already doing that before all of this.”

Pangako ni Kylie na lagi siyang nandito para suportahan at mahalin ang ama.

“Kaya whatever happens after today, however busy you become please know that I love you and support you. Congratulations @robinhoodpadilla,” pagtatapos ng aktres.
Samantala, nagpaabot din ng kanyang pagbati kay Binoe ang ex-wife niyang si Liezl Sicangco.

“To the father of my children, Congratulations!!! May Allah always protect you and your team. Amen,” ang post ni Liezl sa kanyang IG.

SANYA AT JAK, DINUMOG SA PRESINTO

Grabe ang pagdumog ng tao sa magkapatid na Sanya Lopez at Jak Roberto nang bumoto ang mga ito sa kanilang presinto last May 9.

Daig pa ng magkapatid ang mga kandidato politiko sa rami ng nagkagulo sa kanila’t panay ang sigaw ng mga tao ng First Lady kay Sanya, ang ongoing hit teleserye ng aktres sa GMA-7.

Dahil nga raw sa sobrang pagkakagulo ng fans ay nagpasya na ang mga election inspector na pabotohin na sila agad.

“Nahihiya po kami, humingi naman po kami ng pasensiya sa mga tao at nakakatuwa po na naintindihan naman nila,” ani Sanya sa interview ng GMA-7.

Pagkatapos bumoto ni Sanya ay mainit pa rin siyang sinalubong ng mga tao sa presinto.

Maririnig nga sa video na ipinakita na sumisigaw talaga ng First Lady ang mga tao.

“Tinatawag nila ako, ‘Acosta! Acosta!’ gaganu’n sila, ‘First Lady,’ Madame Presidente pa ang tinawag last time, so nakakaaliw talaga,” tsika pa ni Sanya.

Ayon pa sa aktres, sa lahat ng dinadaanan nila, ang tawag na sa kanya talaga ay Melody, pangalan ng karakter niya sa First Lady.

Talaga namang napakabongga ang naging pagtanggap ng tao kay Sanya mula pa sa seryeng First Yaya hanggang sa sequel nga nitong First Lady kaya hindi malayong magkaroon pa ito ng 3rd season.