Niyog

Exclusive dinner sumentro sa niyog ng PH

104 Views

Niyog1

TAMPOK ang niyog kamakailan sa mga lutuin sa exclusive dinner na “The Filipino Table: A Coconut Feast” sa New York City.

Ang aktibidad ay inorganisa ng Philippine Consulate General at Philippine Trade and Investment Center sa New York, bilang pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas at katuwang ang Philippine Coconut Authority at ang Coconut Farmers and Industry Development Plan.

Isang pambansang inisyatiba ang event na naglalayong itaguyod ang niyog at suportahan ang mga lokal na magsasaka para maghatid ng inobasyon at palawakin ang pagkilala sa tinatawag na “tree of life.”

Dumalo sa event ang consular corps, mga mamamahayag, mga cook, mga importer at mga kilalang trade stakeholders sa Amerika.

Sa kanilang mga mensahe, ipinagmalaki nina Consul General Senen Mangalile at Trade Commissioner Alma Argayoso ang posisyon ng Pilipinas bilang lider sa produksyon at pag-eexport ng mga niyog.

Hinikayat din ng mga opisyal ang mga dayuhang negosyante na tangkilikin ang mga produktong ito at sinabing ang bawat pagbili at suporta sa industriya ay may ambag sa pag-angat ng kabuhayan ng milyun-milyong magsasakang Pilipino.