Calendar
Executive lounge para sa mga OFWs sa mga int’l airports isinusulong ni Magsino
ISINUSULONG ni OFW Party List Congresswoman Marissa “Del Mar” P. Magsino na maglagay ng lounge na exclusive lamang para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa lahat ng international airports gaya ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nakapaloob sa inihain nitong panukalang batas.
Inihain ni Magsino ang House Bill No. 1305 na naglalayong hikayatin ang mga appropriate Committees sa Kamara de Representantes na magsagawa ng kaukulang pagsisiyasat patungkol sa paglalagay o pag-eestablisa ng executive lounge na dedicated lamang para sa mga OFWs.
Ipinaliwanag ni Magsino na ang paglalagay ng executive lounge para sa mga OFWs o Filipino Migrant workers ay hindi lamang sa NAIA. Bagkos maging lahat ng international airport sa buong kapuluan.
Sinabi ni Magsino na maisa-sakatuparan ang paglalagay ng executive lounge para sa mga OFWs sa pamamagitan ng collaboration ng mga airport authorities at relevant line departments o mga ahensiya ng pamahalaan katulad ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW).
“The establishment of OFW lounges within various international airports across the nation can feasibly be achieved through administrative means by collaborating with airport authorities and relevant line agencies. This approach typically entails minimal budgetary requirments,” sabi ni Magsino.
Ipinahayag din ng OFW Party List Lady solon na bagama’t isinulong nito ang House Bill No. 1305. Subalit hindi parin ito dapat ituring na pangunahing solusyon kaugnay sa pagkakamit ng kaniyang hangarin (executive lounge) sapagkat mas kailangan parin ng kooperasyon ng mga concerned government agencies.
Nabatid kay Magsino na sa mga international flights na ang mga OFWs ang kalimitang pasahero. Napakahalaga aniya na magkaroon ng holding area o lounge para sa mga OFWs na napaka-habang oras ang kanilang pinaghihintay bago ang naka-schedule niyang biyahe na kadalasan ay inaabot ng limang oras.
“International flight passengers. Particularly OFWs are required to complete their check-in procedures several hours prior to their schedule departure. This necessitates the provision of a dedicated holding area or lounge where individuals can unwind in comfort and make efficient use of their waiting time before embarking on their outbound journey,” sabi pa ni Magsino.