Rodriguez

Extradition ni Cheves isinulong

Mar Rodriguez Nov 8, 2022
313 Views

NANININDIGAN ngayon ang mga kongresista na kinakailangang mapabalik ng Pilipinas o ma-extradite sa bansa ang dating empleyado ng United States (US) Department na si Dean Edward Cheves na kasalukuyang nahaharap sa kasong child molestation o panghahalay sa dalawang menor de edad.

Ipinahayag ni Cagayan de Oro 2nd Dist. Cong. Rufus B. Rodriguez na sinusuportahan nito ang “extradition” ni Cheves upang dito niya harapin sa Pilipinas ang mga kasong isinampa laban sa kaniya matapos ang ginawa niyang panghahalay sa dalawang batang lalaki sa Amerika.

Binigyang diin ni Rodriguez na nagiging kalakaran na ang Pilipinas ay ginagawang destinasyon o pinupuntirya ng mga “foreign pedophiles” dahil na rin sa mahinang pagpapatupad ng ating batas kaugnay sa talamak na child abuse at child pornography.

Sinabi pa ni Rodriguez na sa pamamagitan ng pagpapa-extradite kay Cheves, dito lamang maipapakita ng Pilipinas na mayroong ngipin ang ating gobyerno laban sa laganap na child pornography at child abuse at hindi nito kinukunsinte ang pang-aabuso sa mga mendor de edad.

Ganito rin ang paninindigan ni PBA Party List Cong. Margarita Inacia B. Nograles na hindi dapat palampasin at kunsintihin ng pamahalaang Pilipinas ang tinatawag na “illicit sexual exploitation” na kinasasangkutan ni Cheves at kinakailangan itong ma-extradite upang papanagutin sa kahalayang ginawa nito sa dalawang menor de edad.

“Our laws are clear that these acts are not tolerated and punishable under Philippines laws. Not just Filipino citizens but to foreigners as well as who violate Philippine laws while in our country, extradition is one of the weapons we have to show the world that we will not be deterred to fight the rights of our children and citizens,” sabi ni Nograles.