Calendar
F2 stars makikisaya sa ERJHS sportsfest
MAKIKIBAHAGI sa kasiyahan sa darating na 2023 ERJHS Alumni Sportsfest 2023
sina Ivy Lacsina at C. J. Woo ng PVL All-Filipino third placer F2 Logistics Cargo Movers ngayong weekend sa Barangay N. S. Amoranto covered court sa Malaya St., Quezon City.
Sina Lacsina, ang 6-1 middle blocker mula Angeles City, at Woo, na 5-5 libero mula Dumaguete City, ay bahagi ng matagumpay na kampanya ng F2 sa nakalipas na PVL All-Filipino, na kung saan masungkit nila ang third place laban sa PLDT High Speed Hitters.
Ang dalawang F2 mainstays ay katuwang din ng nasabing kumpanya para maitaguyod ang sports development sa buong bansa, lalo na sa women’s volleyball.
Makakasama nina Lacsina at Woo sina dating Quezon City councilor Mayen Juico at NorthPort Batang Pier coach Bonnie Tan bilang opening-day guests sa month-long basketball at volleyball tournaments, na iniorganisa ng ERJHS Alumni Sports Club, sa pamumuno nina Ed Andaya at Imee Gines.
Magbibigay ng inspirational remarks sina Juico, anak ni dating Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Philip Juico, at Tan habang bibida sina Lacsina at Woo sa gagawing ceremonial toss.
Dadalo din si dating ERJHS Alumni Association president Jess Asistin, Police Lt. Col. Mike Gomez, Brgy. N.S. Amoranto Chairman Ato de Guzman, at ERJHS Head Teacher Marvin Pelayo, na hahalili kay ERJHS Principal Gina Labor-Obierna.
Ang annual sportsfest ay magsisimula sa parade of teams, na pangungunahan ng Roberto Castor Rover Scouts sa ilalim ni Fe Castor-Pangan simula 8:30 a.m.
Ang opening ceremony ay magsisimula ng s.m. na sudundsn ng basketball at volleyball games.
Katuwang sa pagtataguyod ng tournament sina businessman-sportsman Alex Wang ng Wang’s Ballclub, William “Maca” Chua ng Ping Ping Lechon at Brgy Paang Bundok Chairman Lawrence Tiglao.
Mga ASC advisers sina Zeny Castor at multi-titled coach Rene Baena.