Rodrigo Duterte

Facemask required hanggang matapos termino ni PRRD

286 Views

HINDI umano aalisin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mandatory na pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar hanggang sa matapos ang kanyang termino.

Nanawagan din si Duterte sa publiko na sundin ang minimum health standard at sinabi na ang pagiging kampante ng ibang bansa ang nagbigay-daan upang muling dumami ang kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.

“It was a reckless move to stop urging people to wear masks. Yun ang attitude nila pero tayo dito, sabihin ko lang di tayo mayaman we can hardly afford to meet another wave of the pandemic,” sabi ni Duterte.

Noong Abril 11, iniulat ng Department of Health (DOH) na nadagdagan ng 273 ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa. Lumobo na sa 3,681,646 ang bilang ng lahat ng naitalang kaso.

Sa kasalukuyan ay mayroong 27,353 aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.