MPBL

Fajarito bida sa panalo ng South Cotabato

Robert Andaya Jun 7, 2024
116 Views

CHRISTIAN Fajarito to the rescue para sa South Cotabato Warriors.

Umiskor si Fajarito ng 17 sa kanyang 19 points sa second half, kasama na isang bank shot sa huling 10.7 segundo, para pangunahan ang South Cotabato sa makapigil-hiningang 82-81 panalo laban sa host Biñan Tatak Gel Beast Motorcycle Game X sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Ang second-half heroics ni Fajarito ay naging malaking instrumento din sa paghabol ng Warriors mula sa 48-64 deficit bago maitakas ang kanilang ika-limang sunod na panalo at 9-3 record overall sa harap ng madaming manonood, na kinabibilangan ni MPBL founder Sen. Manny Pacquiao. at wife Jinkee.

Nakalalamang pa din ang Biñan, 73-62, bago nagpakawala ng eight points si Fajarito sa12-0 run na nagtulak sa  South Cotabato sa driver’s seat, 74-73.

Matapos maagaw muli ng Biñan ang lamang, 81-78, umeksena sina Jammer Jamito sa kanyang dalawang free throws at Fajarito sa kanyang one-handed floater para sa final count.

Bukod kay Fajarito, na may eight rebounds, four assists at two steals din, madami pang Warriors ang nag step-up.

Si Jamito ay nagtapos na may double-double na 13 points at 11 rebounds.

Ang iba pang Warriors na nag-deliver ay sina Nico Elorde (10 points, eight assists at two steals), Val Acuna (10 points,two rebounds, two assists).at Enzo Joson (nine points, seven assists, five rebounds at two steals).

Para sa Biñan, may 19 points at 11 rebounds si Jaymar Gimpayan at 15 points at four rebounds si Nino Canaleta.