Bomb Nagsagawa ang mga tauhan ng Explosive Ordnance Division at K9 ng pagsisiyasat sa paligid at main campus ng FEU sa Sampaloc, Manila, matapos makatanggap ang universidad ng bomb threat.

FEU-MANILA NAKATANGGAP NG BOMB THREAT

148 Views

Bomb1Bomb2Bomb3“HELLO good pm. May bomba po na nakatanim ngayon inside the main campus.Tinanim po ng ex-bf ko sana po ma actionan agad.”

Ito ang mensaheng pinadala ng di pa nakikilalang individual m sa Far Eastern University sa Sampaloc, Maynila, Miyerkules ng gabi.

Ayon sa report ng pulisya, bandang 7:51 ng gabi nang makatangap ng ulat ang himpilan ng MPD-EOD Explosive Ordnance Division mula kay PCol. Marcelino DL Pedrozo (MPD Police Ret.), Security Manager ng FEU Manila Campus, hinggil sa nasabing banta.

Agad rumesponde ang mga operatiba sa pamumuno ni PCMS Romulos Roland Ramilo, mga EOD Tech na sina PSSG Chito Jesus De Guzman, PPSG Donato Gumpal Jr. at PAT Jigz, Albert Tarroza, K9 handler, upang magsagawa ng pagsisiyasat sa nasabing campus.

Ang mensahe ay pinadala business chat ng unibersidad bandang 7:01 ng gabi.

Batay sa paunang impormasyong nakuha mula kay Eduard Kilakiga, Vice President for Technical & Facilities ng nasabing unibersidad, isang alumni ang unang nag-post ng mensahe sa group chat ng medtech society at student council.

Nagsagawa ng inspeksyon sa buong campus ang mga tauhan ng seguridad ng FEU sa pamumuno nina Security Officer Rocky Ben Albete at Dennis Abella, ngunit walang nakitang anumang indikasyon ng mapanganib na materyal.

Agad na ipinadala ang EOD-K9 Team sa nasabing unibersidad sa pakikipag-ugnayan kay PCol. Pedrozo.

Nagsagawa ang team ng threat assessment at bomb sweep operation sa paligid at loob ng campus ng unibersidad.

Walang nakitang bomba o mapanganib na materyal.

Nakipag-ugnayan din ang EOD-K9 team kay PSSg Jepthe F Doroja (PS-14 IOC) para sa karagdagang imbestigasyon at nararapat na aksyon.

Natapos ang bomb sweep operation ganap na 9:40 ng gabi at naging ang paligid.

Payo ng magulang napagkamalang bomb threat

Nauna rito, nilinaw ng Quezon City Police District (QCPD) na walang banta sa seguridad sa FEU Diliman matapos mapag-alamang paalala lamang ng isang magulang sa kanyang anak ang mensaheng napagkamalang threat.

Agad umaksyon ang Quezon City Police District (QCPD) matapos i-report ng mga administrador ng paaralan ang umano’y online threat.

Ayon sa QCPD, agad na inatasan ni Acting District Director PBGen. Christopher Olazo ang mga tauhan ng Holy Spirit Police Station (PS 14), District Anti-Cybercrime Unit at iba pang concerned units na beripikahin ang mensahe at makipag-ugnayan sa pamunuan ng paaralan.

Personal ding nagtungo si Olazo sa FEU Diliman noong umaga ng Setyembre 22 upang alamin ang sitwasyon at matiyak ang seguridad sa paaralan.

Sa isinagawang validation, lumitaw na nagmula ang mensahe sa isang magulang na nagpapaalala sa kanyang anak tungkol sa school violence at safety.

Ipinasa naman ito ng estudyante sa mga kaibigan hanggang sa ma-misinterpret na isang banta.

Nilinaw ng magulang na ang mensahe ay tanging paalala lamang para sa kaligtasan ng kanyang anak.

Bilang pag-iingat, nakipag-ugnayan ang QCPD sa mga opisyal ng paaralan at mga magulang upang ipatupad ang kaukulang safety measures.

Iginiit ng QCPD na seryoso nitong tinutugunan ang lahat ng naiulat na banta at agad na isinasailalim sa beripikasyon. Hinikayat din ang publiko na tiyaking tama ang impormasyon bago mag-forward o mag-share ng mga mensaheng maaaring magdulot ng hindi kinakailangang pangamba. Nina JONJON C. REYES & MELNIE RAGASA-JIMENA