Latvia Zagars: Babawi para sa fifth place. FIBA photo

FIBA: Latvia lusot sa Italy

Robert Andaya Sep 9, 2023
250 Views

ISINANTABI ng Latvia ang kalungkutang hatid ng pagkatalo sa Germany sa.quarterfinal upang walisin ang Italy, 87-82, sa kanilang classification match sa FIBA World Cup 2023 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Pinahanga ni Andrejs Grazulis ang madaming manonood sa kanyang game-high 28 points mula 12-of-13 shooting at six rebounds sa 33 minutes na paglalaro upang tulungan ang Latvia na igupo ang Simone Fontecchio-less Italy

Umiskor din si Aigars Skele ng 12 points bukod sa nine assists, habang gumawa si Arturs Zagars ng 10 points at six assists para sa Luca Banchi-mentored Latvians, na nakatitiyak na lalaro para sa fifth or sixth place sa 32-nation na kumpetisyon

Si Oklahoma City Thunder forward Davis Bertans ay gumawa ng nine points at five rebounds para sa Latvia, na lumasap ng 79-81 pagkatalo sa kamay ng Germany at matanggal sa sedmi srace nung Miyerkules.

Dinala ni Luigi Datome ang laban para sa Italy at umiskor ng 20 points sa 7-of-10 shooting sa 22 minutes na aksyon.

Gayundin, nag-dagdag sina Nicolo Melli at Stefano Tonung tig 11 points at si Marco Spissu ng 10 points para sa Italy.

Ang naturang enkuwentro ng dalawang kilalang European heavyweights, na kapwa nabigo sa kamay ng mga mas malakas na katunggali, ay naging kapanapanabik mula simula hanggang matapos.

Unang lumamang ang Italy sa kanilang maagang 13-point lead bago inagaw ng Latvia ang trangko dahil sa kanilang Mas malakas na bwelta.

Hawak pa din ng Latvia ang kalamangan, 67-60, sa pagsisimula ng fourth quarter, subalit hindi nagpa-iwan ang Italy at nagtangka na makabalik.

Sa iskor na 84-82 pabor sa Latvia, nagpakawala si Grazulis ng isang malaking three-pointer at nabigo naman si Tonut sa kanyang ganti sa huling 24 segundo ng laro.

Susunod na sasagupain ng Latvia ang Lithuania para paglabanan kung sino ang magiging fifth at sixth placer sa prestihiyosong kumpetisyon.

Samantala, haharapin ng Italy ang Slovenia para sa seventh at eighth na pwesto

Ang mga nasabing laro ay gaganapin sa Sabado

The scores:

Latvia (87) – Grazulis 28, Skele 12, Zagars 10, Bertans 9, A. Kurucs 9, Strautins 7, Smits 6, R. Kurucs 4, Zoriks 2.

Italy (82) – Datome 20, Melli 11, Tonut 11, Spissu 10, Procida 8, Ricci 8, Pajola 5, Polonara 4, Spagnolo 4, Diouf 1, Severini 0“

Quarterscores: 18-26, 46-42, 67-60, 87-82