Wagner brothers Schroder: Buo ang tiwala sa mga teammates. FIBA photo

FIBA: Wagner brothers nag-bida sa panalo ng Germany

Robert Andaya Sep 7, 2023
192 Views

BAGAMAT hindi naging maganda ang gabi para kay NBA veteran Dennis Schroder, hindi naman nabigo ang Germany — ang huling natitirang walang talo na team sa FIBA World Cup 2023 — at nakahanap ng paraan para manalo.

Naging matagumpay ang muling paglalaro ni Franz Wagner para pangunahan ang Germany sa isang makapigil-hiningang 81-79 panalo laban sa Latvia sa Mall of Asia Arena sa Pasay City kagabi.

Umiskor si Wagner, ang 6-10 Orlando Magic forward, ng team-high 16 points sa 5-of-8 shooting, at nagdagdag ng eight rebounds at three assists para sa Germany, na haharap sa isang matinding pagsubok laban sa five-time champion United States sa semis sa Biyernes ng gabi

Dahil sa panalo, nasungkit din ng Germany ang isa sa dalawang spots para sa Europe sa darating na 2024.Paris Olympics.

“My first game was a little bad at the end. But I was really happy about being out there with the guys and really enjoyed it,: pahayag ni Wagner, na na-injured ang ankle sa opening-day victory ng Germany laban sa Japan noong Aug. 25.

Nakatuwang niya sina Andreas Obst, na may 13 points, Mo Wagner, na may 12 points at Johannes Thieman, na may 10 points at seven rebounds para sa Germany, na nakatitiyak na din ng kanilang best finish sa World Cup simula pa noong pumangatlo noong 2002.

Naitakas ng mga Germans ang panalo kahit pa hindi naging maganda ang laro ni Schroder, ang itinuturing na top player ng team dahil sa kanyang 19.8 points at 6.8 assists per game sa nakalipas na five-game winning streak.

Si Schroder ay nalimitahan lamang sa nine points sa nakapanglulumong 4-of-26 shooting, kabilang ang 0-of-8 sa three-point area.

Base sa FIBA record, ang 22 missed shots ni Schroder ay maihahalintulad sa record ni Kirk Penney sa dami ng mintis na tira kasaysayan ng World Cup.”

Si Penney, na dating guard mula New Zealand, ay may 7/29 shooting laban sa Russia noong 2002

Naguna para sa Lithuania sina Arturs Zagars, na may game-high 24 points; Davis Bertans, na may 20 points; at Rolands Smits, na may 14 points.

Lamang ang Germany, 36-34 sa halftime, at napanatili ng Latvia na dikit ang laro dahil sa kanilang matikas na third quarter.

Subalit nagpakawala ang Germany ng 14-1 run sa tulong ng isang lay-up ni Franz Wagner, three-pointer ni Isaac Bonga at slam dunk ni Mo Wagner upang kunin ang 74-60 bentahe.

Gayunman. hindi pa din sumuko ang Latvia.

Tinapyas ng mga Latvians ang 10-point lead ng mga Germans sa fourth quarter at muntik pang manalo kung hindi nag-mintis si Bertans sa kanyang game-winning three-pointer bago matapos ang laro.

Ito ang ika-anim na sunod na panalo ng Germany sa FIBA World Cup 2023.

Bago ang Latvia, tinalo din ng Germany ang Tokyo Olympics bronze medalist Australia (85-82), Finland (101-75) at Asian heavyweight Japan (81-63) sa first round; at Georgia (100-73) ar Slovenia (100-71) sa second round.

The scores:

Germany (81) – F. Wagner 16, Obst 13, M. Wagner 12, Thiemann 10, Schroder 9, Theis 9, Lo 6, Bonga 3, Voigtmann 3, Hollatz 0.

Latvia (79) – Zagars 24, Bertans 20, Smits 14, Grazulis 8 ,R. Kurucs 7, Zoriks 4, A. Kurucs 2, Strautins 0, Skele 0, Cavars 0.

Quarterscores: 13-16, 36-34, 62-59, 81-79.