Mariano

Fil-Am itinalaga ni Pope Francis sa financial watchdog agency sa Vatican

332 Views

ISANG Filipino-American economist ang itinalaga ni Pope Francis sa financial intelligence and anti-money laundering unit sa Vatican.

Si Dr. Roberto Mariano ay magsisilbing board member ng Supervisory and Financial Information Authority (ASIF).

Siya ay ipinanganak sa lalawigan ng Rizal noong 1944 at pumunta sa Amerika noong 1960s at naging naturalized citizen noong 1980

Si Mariano ay professor emeritus of economics sa University of Pennsylvania, kung saan ito nagtuturo mula pa noong 1971.

Siya ay professor emeritus din sa Singapore Management University kung saan siya ang founding Dean ng School of Economics at Vice Provost for Research mula 2002 hanggang 2010.Ayon sa

Vatican News, si Mariano ay kasama ng mga grupo na bumuo sa mga econometric model na ginagamit ngayon bilang planning at forecasting tools.