First Lady Liza Araneta Marcos First Lady Liza Araneta-Marcos sa kanyang ceremonial serve.

FL Marcos nakisaya sa VNL opener

Ed Andaya Jul 5, 2023
364 Views

NAKISAYA si First Lady Liza Araneta-Marcos sa pagbubukas ng Volleyball Nations League (VNL) Week 3 men’s volleyball championship sa Mall of Asia Arena sa Pasay City kagabi.

Si First Lady Marcos ang nanguna sa ceremonial serve para sa naturang kumpetisyon na nilalahukan ng walong malalaking bansa at itinataguyod ng International Volleyball Federation (FIVB) at Volleyball World

Nakasama ni First Lady Marcos sa kanyang ceremonial serve sina Philippine National Volleyball Federation president Ramon Suzara, Philippine Olympic Committee President Abraham “Bambol” Tolentino, Philippine Sports Commission chairman Richard Bachman, Volley World CEO Finn Taylor, Malacanang Senior Deputy Executuve Sec. Hubert Guevara at Pasay City Mayor Imelda Calixto Robiano.

Sa maaksyong mga laro, pinabagsak ng world no. 4 Italy ang mahigpit na karibal na Brazil, 23-25, 25-20, 25-15, 25-21, habang pinayuko ng Japan ang kapwa Asian super power China, 24-26, 25-23, 21-25, 25-23, 15-12.

Pakitang gilas si spiker Yuri Romano sa kanyang four service aces at match-best 20 puntos para sa mga Italians, na umangat sa 6-3 panalo-talo na kartada kapantay ng mga Brazilians.

Si Alessandro Michieletto ay nagdagdag naman ng three aces at 17 puntos, si Gianlucca Galassi ay may 12 puntos at si Daniele Lavia ay may dalawang service aces at 10 puntos para sa panalo ng Italian squad sa.16-team competition.

“Brazil is a strong team, one of the best in the world, so we fought because we need points to advance to the Final Phase in Poland,” pahayag ni Italian setter Simone Giannelli.

“We were down 1-0, but we came back and played better,” dugtong pa niya.

Samantala, nagpasiklab si Kento Miyaura at umiskor ng 15 puntos para tiyakin ang panalo ng Japan laban sa China.

Nanguna si Yuki Ishikawa sa kanyang 19 puntos, kabilang ang 16 attacks at dalawang blocks, habang si Ran Takahashi ay may 15 puntos at apat na aces para sa 9-0 win-loss record ng Japan.

“I’m so happy to play here (in the Philippines) again and every fan…when I make points everyone like cheer. I am so happy to play here,” sabi ni Ishikawa matapos ang laro.

Ang Manila leg ng VNL ay itinuturing na critical stage sa preliminary round, na kung saan ang top eight teans ay aabante sa final stage sa July 19-24 sa,Poland.