Magsino

Flood control project kinuwestiyon ni Magsino sa budget hearing DENR

Mar Rodriguez Aug 9, 2024
151 Views

๐—ฆ๐—” ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ด ๐——๐—ฒ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ผ๐—ณ ๐—˜๐—ป๐˜ƒ๐—ถ๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ก๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐—ฐ๐—ฒ๐˜€ (๐——๐—˜๐—ก๐—ฅ) ๐˜€๐—ฎ ๐—ฏ๐˜‚๐—ฑ๐—ด๐—ฒ๐˜ ๐—ต๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ผ๐˜‚๐˜€๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ถ๐˜๐˜๐—ฒ๐—ฒ ๐—ผ๐—ป ๐—”๐—ฝ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ฝ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€, k๐—ถ๐—ป๐˜‚๐˜„๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ถ๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ถ ๐—ข๐—™๐—ช ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐˜† ๐—Ÿ๐—ถ๐˜€๐˜ ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด. ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜€๐—ฎ “๐——๐—ฒ๐—น ๐— ๐—ฎ๐—ฟ” ๐—ฃ. ๐— ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ผ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ต๐—ฒ๐—ป๐˜€๐—ถ๐˜†๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐˜‚๐˜€๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ด “๐—ณ๐—น๐—ผ๐—ผ๐—ฑ ๐—ฐ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ผ๐—น ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ท๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐˜€” ๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ผ๐—ฏ๐˜†๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ผ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ผ๐—น ๐—ผ ๐—บ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ’๐˜-๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—น๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐—ฟ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฒ๐˜๐—ฟ๐—ผ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ.

Humarap ang DENR sa budget hearing ng Committee on Appropriations upang depensahan ang kanilang 2025 proposed national budget para sa susunod na taon. Dito ay ipinahayag ni Magsino ang samu’t-saring problema na idinulot ng pananalanta ng bagyong Carina partikular na ang malawakang pagbaha sa Kalakhang Maynila at mga karatig lalawigan.

Sinabi ni Magsino na bunsod ng naganap na sakuna kung saan maraming mamamayan ang sinalanta ng super typhoon Carina. Muli na naman aniyang lumutang ang issue tungkol sa kasalukuyang sitwasyon ng “flood control project” ng pamahalaan.

Sabi din ni Magsino na ikinakatuwiran naman ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ang isa sa mga nagpapalala ng mga pagbaha sa Metro Manila ay ang mga tambak-tambak na basura na bumabara sa mga drainage o kanal at nagpapa-apaw sa mga ilog at estero dahil sa “heavy siltation” ng mga ito.

Dahil dito, kinuwestiyon ni Magsino kung bakit hindi na aniya matapos-tapos ang problema ng pagdami at maling pagtatapon ng basura na itinuturong dahilan ng lumalalang kaso ng pagbaha sa ilang Siyudad sa Metro Manila kabilang na dito ang Marikina City, Maynila, Quezon City, Malabon City at iba pang mga lugar.

“Dahil sa paghagupit po ng bagyong Carina at Habagat na nagdulot ng malawakang pagbaha sa Metro Manila at mga karatig probinsiya. Muli naman pinag-usapan, ano po ba ang nangyayari sa ating flood control project ng pamahalaan? Sabi naman po ng DPWH at MMDA isa rin daw pong problema na nagpapalala ng pagbaha ay ang tambak-tambak na basura at ang maling pagtatapon nito,” pahayag ni Magsino sa budget hearing ng DENR.

Binanggit din ng OFW Lady solon ang Republic Act No. 9003 o ang “Ecological Solidwaste Management Act of 2000” kung saan isinasaad nito na katuwang aniya ng DENR ang Dapartment of Health (DOH), Department of Interior and Local Government (DILG) at iba pang ahensiya na inaatasang magsagawa ng imbentaryo sa lahat ng solidwaste facilities at sites o lugar sa buong bansa kabilang na dito ang projection ng waste generation.

Bunsod nito, kinuwestiyon din ni Magsino kung ilan, nasaan at anong uri ng waste disposal facilities sa Metro Manila ang gumagana sa kasalukuyan ayon sa isinagawang imbentaryo ng DENR.