tokyo olympics Nagbida si Tokyo Olympics MVP Earvin Ngapeth sa straight-set win ng France kontra sa the Netherlands. Volleyball World photo

France wagi laban sa Nertherlands

Theodore Jurado Jun 23, 2022
290 Views

TINALO ng Tokyo Olympics gold medalist France ang Netherlands, 25-14, 25-23, 25-13, kahapon sa Volleyball Nations League sa Smart Araneta Coliseum.

Nagpakawala si Stephen Boyer ng apat na service aces para sa match-high 15 points, habang nagdagdag si Barthelemy Chinenyeze ng 12 points, kabilang ang set-clinching kill na siyang nagbigay sa French ng 2-0 set lead.

Nag-ambag si Trevor Clevenot ng 11 points, kabilang ang dalawang aces, habang nagtala si Nicolas Le Goff ng anim na blocks upang tumapos na na 10 points para sa world No. 3.

Kasama ang forfeit win laban sa China noong Miyerkules, umakyat ang France sa 5-1 sa standings.

“It’s always good to win. We played good volleyball,” sabi ni Boyer.

Samantala, nanalo ang Chinese sa pamamagitan ng forfeiture laban sa Germany sa afternoon match matapos tumangging makipaglaro ang Germans sa kanilang katunggali mula sa Asia.

Ang China, na hindi nakagawang makaparada ng minimum na anim na manlalaro sa opener noong Miyerkukes, ay na-clear ang health and safety protocols sa umaga.

Alinsunod sa VNL competition regulations, na-forfeit ng Germany ang laro, ay siyang nagbigay sa China ng 3-0 panalo upang umakyat sa 2-4 kartada.

Kinontrol ng Dutch ang second set bago humabol ang French at nakarating sa set point sa 24-21. Nagsalba ang Netherlands ng dalawang set points bago nakuha ni Chinenyeze ang clincher sa pamamagitan ng quick hit.

“In the second set, we just found a way to comeback and win the set,” sabi ni Boyer.

Binigyan ni Tokyo Games MVP Earvin Ngapeth ng kasiyahan ang midday crowd sa kanyang unang laro sa bansa.

“I received a lot of message from Filipino people. It’s so cool to be here to play volleyball here,” sabi ni Ngapeth, na nagtala ng walong puntos, limang receptions at apat na digs. “I hope we will make two good games for the fans. This is for the fans here in the Philippines.”

Haharapin ng France ang Japan bukas at Germany sa huling araw sa Linggo.

Nagposte sina Bennie Tuinstra at captain Nimir Abdel-Aziz ng tig-11 points para sa Netherlands.

Nahulog ang Dutch sa 3-3 kasama ng Germans.
Sa kaisa-isang laro Miyerkules ng gabi, namayani ang Italy sa Germany, 25-16, 25-21, 25-22, para sa 4-1 kartada.