Calendar
Frasco back-to-back mga proyekto para sa mga pampublikong paaralan
𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 “𝗯𝗮𝗰𝗸-𝘁𝗼-𝘀𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹” 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗿𝗶𝗯𝗮𝗱𝗼 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗺𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗯𝘂𝗼𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮, b𝗮𝗰𝗸-𝘁𝗼-𝗯𝗮𝗰𝗸 𝗱𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗯𝗶𝗻𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗹𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴𝗸𝗼𝗱 𝗻𝗶 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗗𝗲𝗽𝘂𝘁𝘆 𝗦𝗽𝗲𝗮𝗸𝗲𝗿 𝗮𝘁 𝗖𝗲𝗯𝘂 𝟱𝘁𝗵 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗩𝗶𝗻𝗰𝗲𝗻𝘁 𝗙𝗿𝗮𝗻𝗰𝗼 “𝗗𝘂𝗸𝗲” 𝗗. 𝗙𝗿𝗮𝘀𝗰𝗼 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝘀𝘂𝘀𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗯𝘂𝗹𝘂𝗵𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗼𝘆𝗲𝗸𝘁𝗼 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗺𝗮𝗶𝘀𝗮-𝗮𝘆𝗼𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝗱𝗮𝗱 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗮𝗺𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗲𝘀𝗸𝘂𝘄𝗲𝗹𝗮𝗵𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗖𝗲𝗯𝘂 𝗖𝗶𝘁𝘆.
Personal na tinungo ng House Deputy Speaker ang Danao City para sa gaganaping turnover ceremony para sa bagong stage at bleachers na ipinagawa nito para sa Guinsay Elementary School.
Kasama na dito ang karagdagang school covered court na sa kabuuan ay nagkakahalaga ng P3 at P4 milyon mula sa infrastructure fund nito.
Sabi ni Frasco, magpapatuloy aniya ang kaniyang pagbibigay prayoridad sa edukasyon ng mga mag-aaral at kabataan sa kaniyang distrito (5th District) partikular na ang pagkakaloob ng scholarship para sa mga mahihirap na estudyante.
Nabatid din kay Frasco na sa kasalukuyan ay umabot na sa 16,000 estudyante ang nabigyan nito ng scholarship. Ang pinakamalaking scholarahip program aniya sa buong lalawigan ng Cebu para sa school year 2023-24.
Dagdag pa ng kongresista, ito rin aniya ang dahilan kung bakit puspusan ang kaniyang pagsisikap na makapagpagawa ng mga karagdagang silid-paaralan o classrooms sa mga public schools.
Ayon pa kay Frasco, nakahilera ang mga infrastructure projects nito para sa pagpapagawa o konstruksiyon ng mga bagong pasilidad sa loob ng isang pampublikong paaralan para maging kombinyente ang pag-aaral ng mga estudyante.