Madrona2

Madrona nagpa-abot ng pagbati para sa ika-455 Founding Anniversary ng Cebu

Mar Rodriguez Aug 8, 2024
46 Views

𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔-𝗔𝗕𝗢𝗧 𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼𝘀 𝗽𝘂𝘀𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗮𝘁𝗶 𝗮𝗻𝗴 c𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗻𝗮 𝘀𝗶 𝗥𝗼𝗺𝗯𝗹𝗼𝗻 𝗟𝗼𝗻𝗲 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗘𝗹𝗲𝗮𝗻𝗱𝗿𝗼 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 “𝗕𝘂𝗱𝗼𝘆” 𝗙. 𝗠𝗮𝗱𝗿𝗼𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗶𝗸𝗮-𝟰𝟱𝟱 𝗙𝗼𝘂𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗔𝗻𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗮𝗿𝘆 𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗖𝗲𝗯𝘂.

Ayon kay Madrona, malayo na ang narating ng kasaysayan ng Cebu matapos manirahan sa nasabing lalawigan ang mga tropang Espaniyol sa pangunnguna ni Ferdinand Magellan noong 1521.

Bilang chairperson ng Committee on Tourism, sinabi din ni Madrona na ang Cebu ang nangungunang “tourist destination” sa Pilipinas dahil sa mga magagandang tourist sites dito at mga beaches na lalong nagpapahikayat sa mga lokal at dayuhang turista.

Paliwanag pa ng kongresista na hindi maikakaila aniya na ang ilan sa mga attraction ng Cebu ay ang white sand beaches, malinaw na tubig dagat o “crystal clear waters”, world class diving sports kasama na dito napakayamang kultura ng lalawigan.

Sinabi din ni Madrona na ito ang mga pangunahing dahilan kung bakit pabalik-balik ang mga turista, lokal man o dayuhan, sa Cebu dahil sa mga nabanggit na attraction na hindi nila makikita sa ibang lalawiyan sa Pilipinas.