Ilocos

Ilocos Norte pinatibay relasyon sa mga Pinoy sa Los Angeles

26 Views

Ilocos1Ilocos2Ilocos3

LOS ANGELES, California — Sa layuning mas mapalakas ang ugnayan sa ekonomiya at kultura, nagdaos kamakailan ng isang courtesy call at town hall meeting ang delegasyon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Ilocos Norte sa pangunguna ni Gobernadora Cecilia Araneta-Marcos.

Mainit na tinanggap nina Konsul Heneral Adelio Angelito S. Cruz at ng komunidad ng mga Pilipino sa Los Angeles ang delegasyon sa naganap na pagtitipon sa Philippine Consulate General.

Ayon sa ulat, ang opisyal na misyon ng pamahalaang panlalawigan ay nakatuon sa pagpapairal at pagpapatatag ng mga estratehikong ugnayan sa pagitan ng Ilocos Norte at ng pamayanang Pilipino-Amerikano, partikular na sa kanilang mga kailian (kababayan) na naninirahan sa Timog California.

Naging sentro ng mga talakayan ang iba’t ibang oportunidad para sa kolaborasyon sa pagitan ng mga lider ng komunidad at mga institusyonal na kasosyo.

Binigyang-diin sa pagpupulong ang pagsusulong ng mga inisyatiba at programang mag-aangat sa kalakalan, pamumuhunan, at palitan ng kultura ng dalawang panig.

Inaasahan na ang hakbang na ito ay magbubukas ng mas maraming pinto para sa kaunlaran ng Ilocos Norte sa tulong ng malakas na suporta mula sa mga kababayan sa ibang bansa.