Nagtatag ng Gawad Kalinga inaresto sa Bulacan

Bernard Galang May 30, 2026
23 Views

ANGAT, Bulacan–Inaresto ang Gawad Kalinga founder na nakilala sa alyas “Mel” noong Biyernes dahil sa two counts ng qualified trafficking in persons sa Enchanted Farm sa Barangay Encanto, Angat, Bulacan.

Sa report kay Police Regional Office 3 Director Brig. Gen. Jess Mendez, sinabi ng opisyal na inaresto ang suspek na 76-anyos ng mga miyembro ng Provincial Intelligence Unit (PIU) at Bulacan 1st Provincial Mobile Force Company.

Kilala ang naaresto bilang founder ng tanyag na poverty alleviation and community development organization na Gawad Kalinga.

Akusado siya ng paglabag sa Republic Act (RA) 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, RA 10364 at RA 11862.

Dinala ang suspek sa Bulacan police office para sa documentation at processing.

Ang Anti-Trafficking in Persons Act ang pagre-recruit, transportation, transfer, harboring o pagtanggap ng sinumang tao na may kasamang coercion, deception at abuse of power.